Sunday, March 2, 2008

Regine Velasquez stays with the Kapuso Network



Pagkatapos ng isang linggong pagkawala ay nagbalik na sa Sunday musical variety show ng GMA-7 na SOP si Regine Velasquez kanina, March 2. Nagbigay rin ng kanyang statement ang Asia's Songbird sa programa kung saan sinabi niyang mananatili siyang Kapuso.

Matatandaang sa live presentation ng SOP noong February 17 ay nag-iyakan si Regine at ilan sa mga kasamahan niya sa naturang musical variety show. Hindi man binanggit sa programa mismo kung ano ang dahilan ng kanilang pag-iyak, nahulaan ng marami na nagpaalam na ang singer-actress sa SOP at sa GMA-7.

Kinumpirma ito ni Regine mismo nang mag-guest siya nang live sa The Buzz ng ABS-CBN noong sumunod na Linggo, February 24. Hindi na siya sumipot sa live presentation ng SOP.

Pero taliwas sa inaasahan ng marami na tuluyan na ngang magiging Kapamilya si Regine, sinabi ng Asia's Songbird sa interview sa kanya ni Boy Abunda na hindi pa siya nakakapagdesisyon kung lilipat nga ba siya o hindi ng TV network.

Ikinuwento ni Regine na nang minsang mag-guest siya sa Sharon ay nabanggit niya na interesado siyang gawin ang Betty Le Fea. At nang ialok na sa kanya ang naturang role ay tinanggap niya ito. Ito ang dahilan kung bakit nagpaalam si Regine sa GMA-7.

Pero inamin ni Regine na sumama ang loob niya sa lumabas na balita na idine-deny ng ABS-CBN na in-offer sa kanya ang lead role sa Pinoy version ng Colombian telenovela na Betty La Fea.

Itinanggi rin ni Regine na may P25 million offer sa kanya ang ABS-CBN.

Bagama't interesado pa rin si Regine na gawin ang Betty La Fea, in-assume niya na hindi na interesado ang ABS-CBN na kunin siya dahil sa pagde-deny ng isang executive diumano ng Kapamilya network na may offer sa kanya.

Pagkatapos ng interview ni Regine sa The Buzz ay iba't ibang reaksiyon ang narinig mula sa entertainment press at sa mga manonood. May mga nagsasabi na namamangka sa dalawang ilog si Regine at ginagamit lang daw niya ang ABS-CBN para magpapresyo ng malaki sa GMA-7. Pero meron din namang nagsasabi na mas mabuting manatili na lang sa GMA-7 sa Regine pagkatapos siyang i-deny ng ABS-CBN.

REGINE'S STATEMENT. Sa kabila ng mga reaksiyon na ito ay nanatiling tahimik si Regine. Hanggang sa basagin niya ang katahimikang ito kanina sa SOP kung saan sinagot niya ang katanungan ng lahat: Lilipat nga ba siya o hindi?

Si Regine ang nagbukas ng SOP kanina kung saan kinanta niya ang "This Is My Now." Later on, bago magsimula ang segment na "Constellation of Stars" ay humarap sa gitna ng entablado ang Asia's Songbird upang ihayag ang kanyang tunay na saloobin sa mga kontrobersiyang kinasuungan niya nitong mga nakaraang linggo.

Narito ang kumpletong pahayag ni Regine sa SOP:

"I am standing before all of you now para sa akin ninyo po marinig mismo ang tunay na nararamdaman ko sa nakaraang linggo po. Marami po ang nagtanong sa inyo kung bakit kami nag-iyakan a few weeks back dito sa SOP.

"It's true that I wanted to say goodbye to SOP, sa mga hindi lang katrabaho kundi sa mga itinuturing ko pong malapit na kaibigan at mahalaga po sa puso ko. Naiyak po ako noon dahil pagkatapos ng maraming taon na pagsasama namin, nahihirapan po akong magpaalam sa kanila.

"Why did I want to say goodbye? Well, because I wanted to try other venues as a performer. It so happen na yun pong gusto kong gawin na project ay nandun po sa kabilang istasyon [ABS-CBN]. It's not that I'm not happy here in GMA. Hindi po ‘yon ang rason.

"You've seen me become who I am in this network. Marami po tayong programang pinagsamahan. And I am equally grateful to all of you at sa GMA for giving me the opportunity to share what I can do sa inyong lahat. My relationship with this network goes beyond any binding contract. Everything is bound by mutual trust and respect.

"At the time na nagpa-interview po ako sa showbiz talk show [The Buzz] sa kabilang istasyon, I said I was jobless. Because I felt I have nothing substantial to do. Hindi dahil sa wala pong offer ang GMA sa akin. Pinili ko pong hindi muna gawin ang mga programang inalok sa akin for a couple of reasons. Isa na po diyan ang hindi pagtugma ng sarili kong schedule sa timetable ng mga programang ibinibigay nila sa akin.

"After that interview, aware po ako sa naging reaksiyon ng marami sa inyo. Nirerespeto ko po ang opinyon ng bawat isa kagaya ng respetong ibinigay ninyo sa akin sa loob ng maraming taon. I am in no position na magmalaki sa kahit na anong television network. I am a performing artist at nandito po ako to entertain.

"Hindi natutumbasan ng pera ang prinsipyo at dedikasyon sa trabaho. I will be here where I feel I will be happy. Yun po ang pinakamahalaga sa akin.

"After everything that has happened nitong nakaraang linggo, I have come to a decision. At ito po ang gusto kong sabihin sa inyong lahat. I have decided to stay in GMA.

"Mananatili po akong Kapuso ninyo dito sa SOP at sa mga susunod pang programang mapapanood ninyo in the next few months dahil choice ko po ito.

"To GMA, especially to Atty. Felipe Gozon, Mr. [Jimmy] Duavit, kay Ma'am Wilma [Galvante], kay Ma'am Darlene [de Jesus], sa staff and crew ng SOP whom I love very much. Thank you for giving time to think things over. I realized na nandito po talaga ang pamilya ko at ang puso ko. Maraming-maraming salamat po for not letting go of me. And I am proud to be Kapuso.

"I would also like to say thank you to Annette Gozon [GMA Films president] for understanding me at that time, at sa lahat sa inyo na patuloy na tumatangkilik sa akin. There are not enough words to express how deeply grateful I am for your never ending support and understanding. Sa lahat ng pinagdaanan kong pagsubok sa maraming taon.

"I would like to say thank you to my family for standing by me. My sisters, my brother... I'd like to especially to thank my sister Cacai for helping me out sa lahat po ng mga nangyari sa amin.

"And to Ogie who never left my side. Through all the days I thought I was alone in this inner battle. Thank you very much Bubba for all the love... I love you back twice as much.

"Sa lahat ng mga Kasamahan ko dito sa SOP, it was really hard saying goodbye to you guys. I am not doing it again. I hope you guys are happy I am staying..."
Nabanggit ni Regine sa kanyang statement na bukod sa SOP ay may mga shows pa siyang gagawin sa GMA-7. Sinasabing magsasama ulit sina Regine at Ogie sa Season 2 ng Celebrity Duets. May balita ring si Regine ang magbibida sa Pinoy version ng isang highly-successful Koreanovela na ipinalabas dati sa Kapuso network. Marami ang humuhula na ang Koreanovela na ito ay ang My Name Is Kim Sam Soon.

Tuloy na rin daw ang pelikulang gagawin nina Regine at Ogie para sa GMA Films at Viva Films, ang Love Is Blind...And Deaf.

Source: Erwin Santiago's article at pep.ph

-----
Chika Manila!:

Sayang naman. I really would have wanted to see Regine as a Kapamilya Star. Anyway, that is welcome news for the other ABS-CBN stars who are in the short list for playing the role of the local adaptation of Betty La Fea.



Read full story...

Saturday, March 1, 2008

Valerie Concepcion as the local Betty La Fea?



"Ang ganda talaga ng pasok ng taon sa akin!" exclaimed Valerie Concepcion during the press launch of her first major endorsement, a slimming pill called Slenda, at the 9501 restaurant of ABS-CBN yesterday, February 28.

She added, "Sobrang thankful ako sa ABS-CBN na talaga namang yung trust na binibigay nila sa akin, sobra, talagang iba."

Aside from her newest endorsement, Valerie is also happy that ABS-CBN is considering her to play the lead role in the Filipino adaptation of the Colombian soap opera Betty La Fea.

"Actually, kagabi [February 27], nabanggit sa akin na parang isa raw ako sa mga pinagpipilian. Pero hindi ko alam. Siyempre sana, sana matuloy, di ba? Kasi I'm excited na rin na makagawa ng soap dito sa ABS-CBN, so hopefully," said Valerie.

When asked if she is willing to become ugly in this project, the 20-year-old actress said, "Oo naman, pangit naman ako, e. Oo naman, maganda nga yun, e. Actually, isa yun sa mga gusto kong i-try, yung pangit 'tapos papagandahin ka, di ba?"

Valerie is clueless that Asia's Songbird Regine Velasquez has also expressed her interest to do Betty La Fea. So, when the entertainment press told her about this, the young actress replied, "I'm honored and I'm flattered talaga. Kasi, actually, hearing about it last night sabi ko nga parang, ‘Wow!' At least, di ba, kahit hindi man ako mapili, at least alam ko na kasama ako sa pinagpipilian? Yun pa lang, big honor na for me."

Other actresses being considered for the Betty La Fea role are Anne Curtis, Bea Alonzo, and Angel Locsin. Since Angel and Valerie are both under the management of Becky Aguila, the press asked Valerie if she would be hurt in case Angel gets the role of Beatriz Pinzon Solano, the main character in Betty La Fea.

"Ay, hindi naman," answered Valerie. "Ako ha, naniniwala ako sa sarili ko na kumbaga, if it's meant to be for you, it's gonna be for you no matter what happens."

Source: Nerissa Almo's article at pep.ph

-----

Chika Manila!:
So, does that mean Regine Velasquez is already out of the picture for the role of Betty La Fea?



Read full story...